Nakahanda na ang mga Pilipino sa Hongkong para sa posibleng hagupit doon ng Typhoon “Mangkhut” o “Ompong”.
Ayon sa ilang OFWs o Overseas Filipino Workers sa Hongkong, sarado na ang mga establisyemento at kanselado na rin ang mga biyahe ng eroplano.
Nakataas na rin ang signal number 12 sa buong isla na ibig sabihin, pinaghahanda na ang lahat ng mga taga Hongkong sa posibleng pinsalang idulot ng bagyo.
Dahil dito, pinapayuhan din ng Filipino community ang lahat ng mga kababayang nagtatrabaho doon na huwag munang lumabas ng tahanan bunsod na rin ng panganib na dala ng naturang sama ng panahon.