Pinang-iingat ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang mga Pinoy sa Hongkong laban sa mga nag-aalok ng pekeng trabaho sa United Kingdom at Russia na may pangakong dobleng suweldo.
Ayon sa report ng Department of Labor and Employment o DOLE, mayroon ng ilang OFW sa Hongkong ang nabiktima ng mga pekeng recruiter sa pamamagitan ng Facebook.
Humihingi anila ang mga ito ng P185,000 para sa mga nais magtrabaho sa UK at Russia.
Pinayuhan naman ng POEA ang mga nagnanais na lumipat ng trabaho sa ibang bans na makipag-ugnayan muna sa Philippine Labor Attaché sa bansa na kanilang kinaroroonan para magtanong at humingi ng payo.
—-