Naitala ang 11 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 15,892 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa higit 80 mga bansa.
Sa naturang bilang, 5,284 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Lumobo naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus na nasa 9,565 na matapos na maitala ang 2 mga bagong gumaling sa COVID-19.
Sa kaparehong datos, nanatiling namang nasa 1,043 na mga Pilipinong nasa ibayong dagat ang nasawi dahil sa virus.