Pumapalo na sa 837 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa ibayong dagat ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa DFA nakapagtala ng 88 bagong kumpirmadong kaso na pinakamataas na naitala ng ahensya sa araw-araw na paglalabas ng datos mula pa nitong nakalipas na Marso.
Tatlong pinoy naman ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa nakalipas na magdamag kaya’t nasa 106 na ang death toll.
Walo naman ang naitalang gumaling kaya’t nasa mahigit 200 na ang mga Pilipino sa ibayong dagat na naka-recover sa nasabing sakit.