Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Indonesia na mag-ingat at maging alerto subalit ipagpatuloy ang normal na takbo ng kanilang buhay.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, Spokesman ng DFA, naipakalat na ng embahada ng Pilipinas sa Jakarta ang advisory sa may 10,000 Pilipino sa Indonesia.
Binigyang diin ni Jose na hindi dapat maging dahilan ang pagsabog sa Jakarta Indonesia upang mag-iba ang takbo ng buhay ng mamamayan sa bansang nabiktima dahil ito ang pangunahing layunin ng terorismo.
Una rito, 7 Indonesians ang nasawi makaraang magkaroon ng pagsabog sa Jakarta Indonesia.
“Well yun po ang objective ng terrorism na mag-sow ng takot at concern, pero hindi naman po dapat magpatakot pero mag-ingat po tayo.” Pahayag ni Jose.
By Len Aguirre | Ratsada Balita