Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Iraq ang mga Pilipino roon.
Kasunod ito ng rocket attack malapit sa Baghdad airport at dalawang suicide bombing sa iba pang lugar sa capital ng Iraq.
Pinayuhan ng embahada ang mga Pilipino na maging vigilant, manatili sa kani-kanilang mga bahay at huwag munang magbiyahe sa susunod na ilang araw o hanggang kumalma ang sitwasyon doon.
Pinaiiwas din ng embahada ang mga Pilipino sa matataong lugar tulad ng parks, shopping malls at palengke.
Hinimok ng embahada ang mga Pilipino na magpa rehistro sa kanila para madaling makontak ang mga ito sakaling magkaroon ng emergency.
By Judith Larino
Photo Credit: Reuters