Kaagad nai-evacuate ang mga Pilipinong nakatira sa tatlong lugar sa Israel na apektado ng bakbakan ng mga otoridad dito at ng Hamas militants.
Ipinabatid ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na kaagad naikasa ng mga opisyal ng embahada ng bansa ang contingency measures nito para mailayo na ang mga Pinoy sa Ashkelon, Ashdod at Gaza strip kung saan pinakamataas ang tensyon.
Tuluy tuloy pa rin aniya ang in country evaluation nila sa sitwasyon sa mga nasabing lugar partikular ang Gaza strip lalo na mula rito patungong Tel Aviv.
Iniulat din ni Cacdac na walang nasugatan o nadamay na Pinoy sa nasabing kaguluhan sa Israel.