Halos wala nang tulugan ang mga Pilipino sa Israel dahil sa takot sa mga pinauulang rocket ng Hamas militant group.
Ayon ito kay Ador Tucay, isang Pinoy caregiver at 15 taon nang nagtatrabaho sa Israel.
Sinabi sa DWIZ ni Tucay na nakabukas palagi ang shelter sa ilalim ng kanilang mga bahay para takbuhan nila gayundin ng napakalaking bus station sakaling may mga rocket na inaasahang babagsak sa Israel.
Magkakaiba ng strategy ang mga lugar sa Israel sa pagtugon sa rocket launch ng Hamas na sinasalo ng iron dome na siyang life saver ng mga Israeli at mga dayuhang tulad nila na nasa nasabing bansa.
Ipinabatid pa ni Tucay na halos 3,000 rocket na ang pinakawalan ng Hamas militant group sa mahigit isang linggo nang bakbakan nito at ng Israel.
Depende po kasi ‘yan sa city, kung halimbawa po sa city ng Tel’Abim, before 2 minutes po dumating ang rocket sa Tel’Abim. May 2 minutes po kami para tumakbo sa shelter, tyaka po sasalubungin ng iron dome ‘yon. Napaka-hi-tech po. Napakalakas po ng sirena maririnig magsa-siren po ng napakalakas,” ani Tucay. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas