Mainit na tinanggap si Pangulong Rodrigo Duterte ng Filipino community sa Israel.
Sa pagharap 1,400 na Pinoy sa Ramada Hotel sa Jerusalem, inamin ng pangulo na napaluha siya dahil naramdaman niya ang pagmamahal ng mga Pinoy sa Holy Land.
Dahil dito, tiniyak ni Pangulong Duterte na babalik siya sa Israel para muling bisitahin ang mga kababayan.
Nasa 28,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa israel na karamiha’y caregiver.
“Napaluha ako kanina not exactly you’re better off than the rest of your brothers and sisters in the region. Pero napaluha lang ako at nagtingin ako sa inyo, happy kayo and it gives me one of the greatest pleasure is not really that I have done something to make my Filipino brothers and sisters happy.” Pahayag ni Duterte.
Samantala, pinasalamatan naman ng pangulo ang Israel sa mabuting pagtrato sa mga Pinoy sa naturang bansa.
“Tignan ko ano ang maitulong ko para to better manage the huge number of my countrymen here. And after that I will go to Jordan…48,000 doon, mga 28,000 kayo dito. It beholds upon me to see to it na yung mga kababayan ko mga Pilipino are in the best of help and state of living na maganda. One of the best places that here too, and I don’t mind isa sa mga pinaka magandang lugar na pwede mo talagang mapuntahan and you are as a human being. If Israel would want ipadala ko doon lahat ng Pilipino dito kasi mas maganda ang buhay dito.” Ani Duterte.
Nagpasalamat din si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa pagbisita ni Duterte kasabay ng pag-alala sa pagtulong ng Pilipinas sa mga Jewish refugee na tumakas sa pagmamalupit ng Nazi regime noong World War II (WWII).
“We remember the exceptional role of the Philippines that received Jews refugees during the Holocaust. We remember that the Philippines was the only Asian country that voted for the establishment of the State of Israel in the UN resolution in 1947.” Pahayag ni Netanyahu.