Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pilipino na nasa Israel sa gitna ng umiiral na tensyon sa Gaza Strip.
Naglabas rin ng Home Front Command Guidelines ang embahada para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan na nasa Israel.
Pinapayuhan ang mga Pinoy doon partikular ang mga nasa loob ng Gaza Envelope at sa southern part ng Israel na mag-ingat at tumalima sa mga nakapaloob sa nasabing guidelines gaya ng pagbabawal sa Educational Activities.
Pinaiiwas rin ang mga Pinoy sa pagkuha ng larawan o video sa anumang nangyayaring kaguluhan dahil mapanganib ito.
Kung may emergency ay maaaring tumawag sa Philippine Embassy hotline number +972 54 466 1188.