Walang Pilipinong nasaktan sa pananalasa ng bagyong Nanmadol sa Japan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, bago pa mag-landfall ang bagyo ay lumikas na ang maraming residente sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
Inihayag naman ng Philippine Consulate General sa Osaka na ligtas na sa mga evacuation center ang ilang Pinoy na naninirahan sa Kagoshima prefecture.
Patuloy na mino-monitor ng konsulada ang sitwasyon ng Pinoy community sa Southwestern Japan.