Pinag-iingat ng pamahalaan ang mga Pilipino sa Japan sa posibilidad ng storm surge, malakas na pag-ulan at hangin dulot ng bagyong Hagibis na inaasahang tatama sa nabanggit na bansa sa weekend.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa Japan sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo.
Kaugnay nito, pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino sa Japan na iwasan munang bumiyahe sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng super typhoon Hagibis.
Una nang inilagay ng Japan Meteorological Agency ang bagyong Hagibis bilang “violent typhoon” na siyang pinakamataas na kategorya ng bagyo sa kanilang bansa.