Pinag-iingat na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipino community sa Japan sa gitna ng paghagupit ng Typhoon Jebi.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato, minomonitor na nila sitwasyon ng mga Pinoy katuwang ng Philippine Embassy sa Tokyo at Philippine Consulate General sa Osaka.
Tinatayang dalawandaan walumpung libo (280,000) ang mga Filipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Japan.
Kabilang ang Osaka Prefecture sa Kansai Region sa mga apektado ng pananalasa ng Typhoon Jebi, na pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan sa nakalipas na dalawampu’t limang (25) taon.
—-