Tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs ang kahandaan nitong tumulong sa mga Pilipinong nasa Japan na maaapektuhan ng pagpapakawala ng missile ng North Korea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, inatasan na niya ang embahada ng Pilipinas sa Tokyo gayundin ang mga konsulada sa iba’t ibang lugar sa Japan na mag-ulat ng kanilang sitwasyon.
Batay sa tala ng DFA, mayroong 244,000 mga Pilipino ang nakatira gayundin ang nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Alas-5:00 ng hapon kahapon nang muling magpakalawa ng missile ang NoKor sa Korean Peninsula na ayon sa Japanese government ay pangalawa na mula noong 1998.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE