Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Nairobi, Kenya.
Kasunod ito ng inisidente ng pamamaril at pagpapasabog sa isang high end na hotel sa kenya na hinihinalang pakana ng mga terorista.
Sa ipinalabas na abiso ng Philippine Embassy sa Nairobi, pinapayuhan ang nasa apatnaraang (400) Filipino sa nasabing lugar na manatili muna sa kanilang mga tahanan at iwasang magtungo sa westlands kung saan matatagpuan ang pinasabugang hotel.
Batay sa nakuhang ulat ni Philippine Ambassador to Kenya Norman Garibay, lima ang nasawi sa nasabing pag-atake.
—-