Muling inabisuhan ng Philippine Embassy ang mga Filipino sa Libya na umuwi na para sa kanilang kaligtasan.
Ito, ayon kay Philippine Charge d’Affaires Adelio Angelito Cruz, ay dahil sa patuloy paglala ng sitwasyon sa Libya.
Tinatayang 3,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Libya na karamiha’y health worker sa mga ospital.
Nangangamba ang embahada na bumagsak ang ekonomiya ng nasabing bansa bunsod ng nagpapatuloy na digmaan.
By Mariboy Ysibido