Pinayuhan ng embahada ang mga Pilipino sa Libya na maging mapagmatyag, iwasan muna ang matataong lugar at manatili sa loob ng tahanan kung hindi importante ang pupuntahan.
Naglabas ng advisory ang Philippine Embassy sa Libya kasunod ng deklarasyon ng state of emergency ng presidential council.
ICYMI:
PH Embassy sa Libya may abiso sa mga Pilipino roon kaugnay sa idineklarang state of emergency sa nasabing bansa. pic.twitter.com/fb7DCRsBAC— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 5, 2019
Ang state of emergency ay resulta ng pahayag ng Libyan National Army (LNA) na umuusad na ang kanilang puwersa patungo ng Tripoli.
Pinaalalahanan rin ng embahada ang mga Pilipino sa Libya na sundin ang instructions ng kanilang employers at tiyakin na lagi silang may stock ng pagkain at iba pa nilang pangangailangan.
Sinuman umano ang nagnanais na makauwi na sa bansa ay maaaring makipag-ugnayan sa embahada para sa kaukulang ayuda.
—-