Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong nasa Libya.
Kasunod ito ng suicide bomb attack sa Ministry of Foreign Affairs ng Libya kung saan mahigit sa tatlo ang nasawi at halos pito ang sugatan.
Bagamat walang Pilipinong kasama sa mga nasaktan, pinayuhan ng embahada ng Pilipinas ang mahigit sa dalawang libong (2,000) Pilipino doon na mag-ingat at manatili na lamang muna sa kani-kanilang tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.
Matatandaan na hanggang ngayon ay bihag pa ang tatlong Filipino engineers na kasama sa mga binihag ng armadong grupo sa isang water project site sa Libya noong July 6.
—-