Posibleng sunduin na rin pauwi ng pamahalaan ang mga Pilipinong nasa Macau.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergerie, mismong ang mga Pinoy ang humiling sa pamahalaan na i-uwi na sila sa harap ng pangamba na madamay sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ngayon, sinabi ni Vergerie na 10 pa lamang ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Macau, isa sa mga special administrative region ng China.
Una nang isinama sa travel ban laban sa China ang Macau subalit kalaunan ay hindi na isinama sa ban ang mga OFW’s.