Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs o DFA sa pamilya ng mga nasawi sa insidente ng pamamaril sa newsroom ng isang pahayagan sa Maryland, USA.
Sinabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na walang Pilipinong naapektuhan ng insidente base na rin sa impormasyong ibinigay ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.
Mayroong halos walong libong (8,000) Pilipino sa Third Congressional District ng Maryland kabilang na ang mga nasa Anne Arundel County.
—-