Ligtas at walang nasaktang Pilipino sa magnitude 7.6 na lindol sa Mexico kahapon.
Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs sa kabila ng mga ulat ng casualty dulot ng malakas na pagyanig.
Ayon kay DFA spokesperson Maria Teresita Daza, nagpapatuloy ang monitoring ng Philippine Embassy sa Mexico upang matiyak ang kaligtasan ng mahigit 1,200 Pinoy sa naturang bansa.
Malayo anya ang Bayan ng Aquila, sa Michoacan State, na sentro ng lindol, o 37 kilometro mula sa Mexico City kung saan karamihan o nasa 800 Pinoy ang naninirahan o nagtatrabaho.
Dalawa ang nasawi sa nasabing pagyanig habang ilang gusali ang gumuho o bahagyang napinsala.
Naganap ang lindol sa parehong araw na dalawang pagyanig ang tumama sa bansa, isa noong September 19, 1985 at noong 2017.