Ligtas ang mga Pilipino sa Mexico matapos ang pagtama doon ng magnitude 8.1 na lindol.
Ayon kay DFA o Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, walang Pinoy ang kabilang sa mahigit 30 na nasawi sa naturang lindol.
Mahigpit naman aniya ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Mexico sa mga Pilipinong naroon.
Kasabay nito, nagpahayag naman ng pakikisimpatya ang DFA sa Mexico at iba pang mga bansang naapektuhan ng naturang malakas na lindol.
Batay sa tala ng DFA, nasa 630 ang bilang ng mga Pilipinong nasa Mexico.
AR / DWIZ 882