Kinondena ng DFA o Department of Foreign Affairs ang nangyaring suicide bombing ng mga Islamic extremist sa mga bansang Nigeria at Pakistan.
Sa isang kalatas na ipinalabas ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, sinabi nito na kaisa ang Pilipinas sa paglaban sa terorismo at nakikiramay din ito sa pagkalagas ng maraming buhay.
Batay sa report, isang babaeng suicide bomber ang umatake sa isang palengke sa Maidoguri City sa hilagang silangan ng Nigeria kung saan, 27 ang naitalang patay.
Habang humigit kumulang 15 naman ang nasawi habang 40 ang sugatan nang pasabugin ng suicide bomber ang sarili makaraang dumaan ang isang military convoy sa katimugang kalunrang bahagi ng Quetta noong Sabado.
Kasunod nito, pinayuhan ni Cayetano ang mga Pilipinong nananatili sa mga nabanggit na bansa na manatiling nakaalerto, maging mapagmatyag at makinig sa mga abisong ipalalabas ng mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.
By Jaymark Dagala