Ligtas ang mga Pilipinong nasa Norcia, Italy matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Central Italy kahapon.
Ayon ito kay DFA Assistant Secretary Charles Jose na nagsabing nakarating na sa Norica ang mga labor attache mula sa Philippine Embassy sa Rome para saklolohan ang mga Pilipino na nasa naturang lugar.
Sinabi ni Jose na 25 Pinoy lamang ang nasa Norcia dahil inilikas na ang iba pang mga Pinoy duon matapos lumindol nuong buwan ng Agosto.
Go signal na lamang aniya ng local government ng Norcia ang hinihintay ng labor attache para ilipat ang mga naturang pinoy.
By: Judith Larino