Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Northeastern United States na mag-ingat sa inaasahang pananalasa ng matinding winter hurricane na tinawag na bomb cyclone o bombogenesis.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dapat munang iwasan ang pagbiyahe kung hindi naman kailangan at alamin ang mga numerong maaaring tawagan bilang preparasyon sa pagtama ng weather phenomenon.
Nasa tatlongdaan apatnapung libong (340,000) mga Pinoy aniya ang maaaring maaapektuhan ng bomb cyclone.
Kabilang sa mga inaasahang direktang tatamaan ang tatlongpo’t limang libong (35,000) mga Filipino sa Maine, Massachusetts, New Hampshire, Rhode Island at Vermont.