Walang nadamay na Pilipino sa paghagupit ng malakas na bagyo sa Oman.
Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA kasunod nang patuloy nilang pagmo-monitor at ng embahada ng Pilipinas sa Muscat, sa sitwasyon ng mga Pilipino sa nasabing bansa.
Patuloy rin anila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Pilipino sa Salalah, kung saan pinakamalaki ang naging pinsala ng “Cyclone Mekunu”.
Batay sa tala ng DFA, tinatayang nasa 49,000 mga Pilipino ang nakatira at nagtatrabaho sa Oman kung saan 10,000 mula sa nasabing bilang ang nananatili sa Salalah.
—-