Wala pa umanong plano ang libu-libong Pilipino na naninirahan o nagtatrabaho sa France na umuwi sa kabila ng panibagong terror attack sa Paris, France.
Ayon sa Philippine Embassy sa Paris, kampante ang mga OFW sa mas mahigpit na security measures ng French authorities.
Gayunman, natatakot pa rin ang maraming Parisian maging ang ilang Pinoy na lumabas ng bahay habang ang iba ay umaalis lamang kung kailangan.
Tinatayang 130 katao ang patay sa pamamaril at pambobomba ng ilang miyembro umano ng Islamic State sa Bataclan Theater at Stade de France noong Biyernes.
By Drew Nacino