Nababalot ng takot ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Russia sa tila lumalalang sitwasyon dito dulot ng mga kaguluhan.
Kasunod na rin ito nang pagdampot ng mga otoridad sa Russia sa mahigpit 5,000 katao na lumahok sa ikalawang sunod na linggong kilos protesta bilang suporta sa ikinulong na opposition leader na si Alexei Navalny.
Ayon sa mga Pinoy sa Russia, patuloy ang pagdarasal nilang huwag nang lumala pa ang kaguluhan dito para makapagtrabaho na sila ng maayos.
Mariin naman ang paalala ng Philippine Embassy sa mga Pilipino doon na iwasang magtungo sa mga matataong lugar at huwag nang lumabas kung hindi naman importante ang lalakarin.
Dahil sa mga malawakang protesta, napilitan ang Russian government na ipasara muna ang pitong Metro stations, restaurants at iba pang business establishments sa Moscow, samantalang hinarangan din ang mga kalsada sa palibot ng Kremlin at halos ilagay na sa lockdown ang Center Capital lalo na’t inaasahan pang tataas ang bilang ng mga dadamputing protester.