Nangangamba na para sa kanilang kaligtasan ang mga Overseas Filipino Worker o OFW o sa Najran, ang lugar sa pagitan ng Saudi Arabia at Yemen.
Ito’y matapos hilingin ng mga OFW roon na bigyan sila ng temporary shelter bunsod ng umano’y lumalalang sitwasyon na dulot ng problemang pulitikal at alitan ng mga rebelde.
Nananawagan na rin ang mga OFW sa pamahalaan na magpatupad ng deployment ban doon upang wala nang Pinoy pang madadamay o maiipit sa gulong nagaganap sa naturang lugar.
Wala pang inilalabas na pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil dito.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco