Walang Filipinong nasaktan o nasawi sa record-breaking na pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha sa South Korea.
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na naka-monitor na ang Philippine Embassy sa SoKor sa sitwasyon, partikular sa kabisera na Seoul.
Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na rin ang embahada sa Filipino communities.
Sa datos ng South Korean Interior at Safety Ministries, walo na ang patay habang pito ang nawawala makaraang malubog sa baha bunsod ng malakas na pag-ulan simula noong Lunes.
Ito na ang pinaka-malakas na pag-ulan sa South Korea sa nakalipas na walong dekada.