Pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na nasa South Korea maging ang mga nagbabalak pa lang pumunta roon kaugnay ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) outbreak sa naturang bansa.
Ayon sa mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa SoKor, ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pagtatakip ng ilong at bibig kapag mayroong umuubo at bumabahing.
Maliban dito, iwasan din anila ang mga farm animals at kapag nakaramdam ng sintomas ay agad na magpakonsulta sa mga doktor.
Kasalukuyang nasa 35 na sa hilagang Korea ang tinamaan ng MERS virus kung saan dalawa na ang nasawi.
Sa ngayon ay wala pang ipinalalabas na travel ban ang Pilipinas patungo at pabalik ng South Korea.
By Ralph Obina | Kevyn Reyes