Puspusan ang pag-iingat ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa South Korea dahil sa patuloy na pagkalat ng MERS-CoV sa naturang bansa.
Ipinabatid ng mga OFW na mahigpit silang nakabantay sa mga balita sa telebisyon at mga pahayagan at sinusunod anila ang mga bilin ng health workers para hindi mahawahan ng nasabing sakit.
Tiwala ang mga OFW na kaagad mareresolba ng gobyerno ng South Korea ang nasabing problema sa kalusugan.
Una nang nag-abiso ang Philippine Embassy sa Seoul sa mga Pinoy workers na gawin ang lahat nang pag-iingat laban sa MERS-CoV.
By Judith Larino