Pinag-iingat ng pamahalaan ang lahat ng mga Filipino sa Syria kasunod ng serye ng mga suicide attacks ng Islamic State sa nasabing bansa.
Sa ipinalabas na pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, kanilang pinayuhan ang mga pinoy sa Syria na maging mapagmatiyag at alerto.
Kasabay dito, tiniyak ni Cayetano na walang Filipino ang napaulat na nasaktan o nadamay sa sunod sunod na pagatake sa Syria.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang embahada ng Pilipinas sa mga pinay na may asawang syrian.
Dagdag pa ni Cayetano, nakahanda ang DFA na magbigay ayuda sa mahigit 1,00 Filipino sa Syria na nanaisin nang bumalik sa bansa.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang kagawaran sa mga naulilang kaanak ng mahigit 200 kataong nasawi sa mga pag-atake.