Hindi lamang mga Syrian kundi maging ang mga Pilipino sa Syria ang damay sa kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gasolina, sa gitna ng hamon ng pagka bangkarote ng nasabing bansa.
Nabatid na kabilang ang mga Pilipino sa pumipila ng 10 hanggang 12 oras para lamang makabili ng gasolina.
Sinabi ng ilang Pinoy sa Syria na bagamat nakikita nila ang mga pagbabago sa gobyerno, nangangamba naman ang mga itong magbabalik sila sa normal sa madaling panahon.
Kaugnay nito, kumikilos na ang DFA at Overseas Welfare Authority para mai-repatriate ang mga Pilipino sa Syria na gusto nang umuwi ng Pilipinas.