Nananatiling ligtas ang nasa 200,000 Pilipino sa Taiwan sa kabila ng isinasagawang military exercises ng China.
Tiniyak ni Manila Economic Cultural Office (MECO) Chairman Silvestre “Bebot” Bello, III na mahigpit na nakatutok ang gobyerno ng Pilipinas sa sitwasyon, partikular sa kapakanan ng mga OFW.
Ayon kay Bello, noon pa nakahanda ang MECO, Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang sangay ng gobyerno ng Pilipinas sakaling tumindi ang panggigipit ng China sa Taiwan.
Sa katunayan anya ay may contigency plan na ang Philippine Government, lalo ang Taiwanese government maging ang lahat ng pangangailangan ng mga Pinoy ay nakalatag, gaya ng mga pagkain, tubig at iba pa.