Patuloy na binabantayan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Taiwan.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na pagyanig kung saan maraming establisyimento ang nasira.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bilang ng mga Pilipino na posibleng naapektuhan ng malakas na lindol sa nasabing bansa.
Samantala, patuloy namang pinag-iingat ang Filipino community doon sa mga posibleng aftershocks.