Tinututukan ng embahada ng Pilipinas sa Taipei ang kalagayan ng mga Pilipino sa Taiwan sa harap ng banta ng bagyong Soudelor o bagyong Hanna dito sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles JOSE, mayroong 100,000 Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Taiwan, at 15,000 naman ang nakapag-asawa na ng Taiwanese.
Bilang paghahanda sa pagpasok ng pinakamalakas na bagyo una nang nagpakalat ng sand bags ang mga otoridad, upang makaiwas sa pagbaha.
By Katrina Valle | Allan Francisco