Hinikayat ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Tripoli, Libya na lumikas sa mas ligtas na lugar para hindi madamay sa kaguluhan doon.
Ginawa ng embahada ang panawagan kasunod ng pambobomba na naganap sa Al Afia clinic sa Qasr Bin Gashir at iba pang lokasyon.
Ayon kay Chargé D’ Affaires Elmer Cato, tutulungan ng embahada ang mga Pinoy sa paglikas, bibigyan ng pansamantalang matutuluyan at aasistihan sa repatriation kung kakailanganin.
Sinabi ni Cato na nakatira sa mga apektadong lugar ang tinatayang 30 Filipino nurses, administrative staff, household service workers, at kanilang dependents.