Nakahandang sumuporta ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Pilipinong naapektuhan ng travel ban sa ibang bansa.
Ito ang siniguro ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, na handa silang makipag-ugnayan sa gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) para sa penalty na ipapataw sa mga Overseas Filipino Workers na expired na ang visa.
Nagnaturang pakikipag-usap ay kaugnay sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 variant na mula sa India kung saan nagpatupad ng travel ban sa UAE.
Samantala, pinalawig pa ng Pilipinas ang travel ban sa ilang bansa bukod sa India kasama rin kabilang din ang Bangladesh, India, Nepal, Oman, Pakistan at Sri Lanka. — sa panulat ni Rashid Locsin.