Labis na pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas sa Washington ang mga Filipino sa Estados Unidos.
Ito ay sa gitna ng dumaraming insidente ng “hate crimes” laban sa mga Asiano sa Amerika.
Ayon sa embahada, kanilang ikinababahala ang tumataas na kaso ng pag-atake laban sa mga Asian Americans sa iba’t-ibang bahagi ng Estados Unidos.
Bagama’t nagpapasalamat ang Philippine Embassy sa mabilis na pag-aksyon ng mga lokal na awtoridad para madakip ang nasa likod ng mga nabanggit na pag-atake patuloy silang nananawagan upang mas matiyak ang kaligtasan ng mga Asiyano tulad ng mga Filipino.
Kamakailan, iniulat ng mga US media oulets ang sunod-sunod na pag-atake laban sa mga Asian Americans sa ilang states.
Kabilang dito ang ulat ng pagnanakaw at pagsalakay sa mga Chinatown at pandemic-related racist attacks sa mga Asian American sa social media.