Nagsimula nang sumailalim sa kanilang 14-day quarantine sa Athlete’s village sa new Clark City, Capaz Tarlac ang mga inilikas na Filipino mula sa MV Grand Princess.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 12:15 a.m. Kaninang madaling araw nang lumapag sa haribon hangar sa Clark Airbase, Pampanga ang chartered plane sakay ang 444 na mga inuwing Pinoy.
Kinabibilangan ito ng apatnaraan at 38 crew members at anim na pasahero ng MV Grand Princess.
Agad naman silang isinakay sa mga bus na naghatid sa kanila sa New Clark City kung saan sumailalim sila sa full medical attention mula sa Department of Health (DOH) saka inilagay sa 14-day quarantine.
Una nang tiniyak ng US Department of Health na isinailalim ang mga ito sa kaukulang secrrening protocols at binigyan na ng disembarkment process bago bumiyahe patungong Pilipinas noong Marso 14.