Sakop ng ipatutupad na temporary travel ban sa India ang mga Pilipinong naninirahan doon.
Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) kasunod na rin ng pagkakatala ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa India na nakikitang dahilan ng pagsirit ng kaso sa naturang bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario, ito ay upang matiyak na rin na gwardyado ang mga borders ng bansa at maagapan ang pagpasok ng iba pang variant ng virus.
Magsisimula naman ang pag-iral ng naturang travel ban sa Huwebes, ika-29 ng Abril, at tatagal hanggang sa ika-14 ng Mayo.