Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang paraan para makaboto ang mga Filipino seafarer.
Ito’y matapos ipanawagan ni Sen. Francis Tolentino na mabigyan ng pagkakataong bumoto ang lahat ng marinong Filipino.
Ayon kasi kay Tolentino, kadalasan na ilang buwan nasa gitna ng dagat ang mga seafarer kaya’t hindi nila nagagawang makaboto sa mga embahada ng Pilipinas.
Ani Tolentino, posible sigurong magtalaga ng mga Filipino captain para bantayan ang pagboto ng Filipino seafarers kahit sila ay nasa laot. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)