Mas smart na ang mga Pilipino sa pagpili ng susunod na Pangulo ng bansa.
Ito ang paniniwala ni dating First Lady ngayo’y Congresswoman Imelda Marcos na unang dumating sa kamara para sa pagbubukas muli ng sesyon ngayong araw na ito.
Ayon kay Marcos, pagkatapos ng 6 na taon ay tiyak na ang mabusising pagpili ng mga Pilipino ng Pangulo ng bansa na mas maraming bagay ang magagawa para sa kanila.
Samantala, tikom ang bibig ni Marcos sa posibleng kandidatura ng anak na si Senador Ferdinand Bongbong Marcos sa 2016 Presidential elections.
Sa halip, sinabi ng dating Unang Ginang na hintayin na lamang ang Oktubre kung kailan itinakda ang filing ng COC o Certificate of Candidacy.
By Judith Larino