Umaabot na sa halos 430,000 mga Filipino ang sumailalim sa swab test para sa COVID-19 ngayon lamang Disyembre.
Batay ito sa tala ng Department of Health (DOH), sa gitna na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga magsisiuwian ng probinsiya ngayong holiday.
Ayon sa DOH, karamihan sa mga nagpa-swab test ay naghahanda para sa kanilang nakatakdang pagbiyahe pauwi ng probinsiya.
Kaugnay nito, ilang mga testing facilities ang nag-aalok ng holiday promo tulad ng pagasagawa ng home at drive thru testing.
Magugunitang, itinakda ng pamahalaan sa P3,800 ang price cap sa RT-PCR test sa mga pampublikong laboratoryo habang hanggang P5,000 naman sa mga private laboratories.