Welcome pa rin sa Amerika ang mga Pilipino sa kabila ng kontrobersiyal na executive order ni US President Donald Trump.
Ayon kay US State Department Spokesman Mark Toner, ito ay dahil hindi naman kabilang ang Pilipinas sa mga bansang kabilang sa countries of concern.
Matatandaang ipinag-utos ni Trump na huwag papasukin sa Amerika ang mga residente mula sa Iran, Iraq, Libya, Syria, Somalia, Yemen at Sudan.
Aniya, basta mayroong kaukulang visa para makapagbiyahe at manirahan sa Amerika ay maari pa ring magtungo dito ang mga Pilipino.
Nilinaw ni Toner na ginawa lamang ng bagong Pangulo ang hakbang para sa national interest ng US at para protektahan ang seguridad at buhay ng mga American citizens.
By Rianne Briones