Nagtipon sa kanilang taunang forum ang mga pinuno at ekonomista ng central bank sa Southern Portugal.
Ang naturang pagtitipon ay isinagawa upang talakayin ang mga epektibong paraan upang mapagaan ang inflationary challenges na mas pinalala ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nabatid na nasa 200 delegado ang dumalo sa European Central Bank (ECB) forum on central banking matapos ang dalawang taon ng mga virtual na pagtitipon bunsod ng COVID-19.
Samantala, dumali sa naturang meeting sina ECB President Christine Lagarde, Jerome Powell, Head ng US Federal Reserve, Andrew Bailey, Governor ng Bank of England at General Manager ng Bank for International Settlements, Agustin Carstens.