Nahaharap sa parusa ang mga barangay na hindi naglilinis ng kanilang nasasakupan.
Babala ito ng DILG dahil maglalabas na sila sa susunod na buwan ng listahan ng mga maruruming barangay na hindi marunong maglinis ng kanilang teritoryo.
Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na kaagad mahaharap sa administrative sanctions ang mga opisyal ng barangay kapag hindi naging katanggap-tanggap ang kanilang paliwanag sa hindi paglilinis ng kanilang mga lugar.
Binigyang-diin ni Densing na kailangan ang lingguhang clean up drive sa mga barangay sa National Capital Region (NCR), Central Luzon at Calabarzon bilang bahagi ng rehabilitasyon sa Manila bay.
Nitong nakalipas na Sabado ay nakakuha ng limandaang (500) sako ng basura sa Ilog Pasig ang river warriors ng Pasig river rehabilitation commission.