Nakatakdang ipasubasta ng Bureau of Customs bilang “scrap” ang mga pira-pirasong bakal mula sa mga luxury vehicle na winasak kamakailan.
Ito’y upang makumbinse ang mga smuggler na umiwas na sa mga iligal na gawain dahil tiyak na wawasakin ang milyun-milyong Pisong halaga ng mga produktong kanilang ipupuslit.
Ayon kay Customs Deputy Commissioner Edward James Dy Buco, inaasahang aabot sa 400 Pesos per metric ton ang halaga ng bawat isusubastang scrap metal mula sa mga sinirang sasakyan.
Tinatayang 30 smuggled luxury vehicles na nagkakahalaga ng nasa 60 Million Pesos ang sinira sa Ports of Manila, Cebu at Davao alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Posted by: Robert Eugenio