Susunod na papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga piskal na nakikipag sabwatan sa drug syndicates.
Sinabi ng Pangulo na maraming mga piskal ang umaareglo o nagbabasura ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga kapalit ang malaking halaga.
Hindi, aniya, lingid sa kanya ang estilo ng ibang piskal na may hawak ng mga kaso ng droga .
Iniaakyat umano ng mga abugadong may kliyente sa iligal na droga ang apela sa department of justice at asahan na aniyang madi-dismiss ang kaso dahil idinaan sa pera-pera lang.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte na mayroon siyang kakilalang piskal noon na nadi–dismiss lahat ng kasong may kinalaman sa iligal na droga dahil sa pagiging tiwali at nasilaw sa salapi.
By: Avee Devierte / ( Reporter 23 ) Aileen Taliping